Tungkol sa Tanggol Wika
MEMBERSHIP FORM: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdeZkeJ3gfnRgHJZx5khnVbUuPbeEWkI5r-HIxZoI92GV7XGg/viewform

Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul.

Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. (Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang artikulong ito: https://www.researchgate.net/publication/320558204_Alyansa_ng_Mga_Tagapagtanggol_ng_Wikang_FilipinoTANGGOL_WIKA_Internal_na_Kwento_Mga_Susing_Argumento_at_Dokumento_2014-2017 )

Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. (Mababasa rito ang petisyon: https://www.academia.edu/11956347/Tanggol_Wika_versus_Noynoy-CHED_Supreme_Court_Petition_) Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. (Mababasa rito ang TRO: https://lawphil.net/sc_res/2015/pdf/gr_217451_2015.pdf )

Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. (Mababasa rito ang HB 223: http://congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB00223.pdf ) Simula pa lamang ito at mahaba pa ang lakbayin. Sama-sama nating iguhit sa mga pahina ng kasaysayan ang mga tagumpay ng wika at bayan!
Mga Gawain ng Tanggol Wika
ADBOKASI
Sa pangkalahatan, pagtataguyod ng asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon, at Filipino bilang wikang panturo ang mga pangunahing adbokasi ng Tanggol Wika. Bahagi ito ng mas malawak na pagsisikhay ng mga guro sa lahat ng antas at disiplina, para sa pagkakaroon ng makabayang sistema ng edukasyon na nakaugat sa mga pangangailangan ng ating bansa. Pokus ng Tanggol Wika ngayon ang pagsasabatas sa House Bill 223 (Filipino at Panitikan sa kolehiyo). PUMIRMA AT MAGPAPIRMA SA PETISYON: http://bit.ly/PetisyonHB223Online
FORUM, Lektyur, CPD SEMINARS, ATBP.
Para magrequest ng forum atbp.: http://bit.ly/TanggolWikaForumRequest Katuwang naman ng Tanggol Wika sa libreng CPD seminars ang Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink., Maaaring kontakin ang PSLLF: http://www.facebook.com/PSLLF
SALIKSIK at materyal- panturo
Regular na minomonitor ng Tanggol Wika ang sitwasyon ng Filipino at Panitikan sa mga kolehiyo at unibersidad. Maaaring magsumite ng report sa http://bit.ly/FilipinoKolehiyo2019 Plano rin ng Tanggol Wika na maglathala ng akademikong journal sa hinaharap. Nakapaglabas na rin ng mga silabus sa kolehiyo ang Tanggol Wika at plano ring maghapag ng alternatibong curriculum guide sa elementarya at hayskul.
PAANO MAGMIYEMBRO?
I-fill-out ang form na ito: http://bit.ly/TanggolWikaMembership at lumahok sa mga aktibidad at miting ng Tanggol Wika