Anunsyo [Bagong Journal] SALIN JOURNAL ng PATAS

Ang SALIN JOURNAL ay refereed na journal sa Filipino ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), Inc. Inililimbag ito dalawang beses kada taon (tuwing Setyembre at Marso). Pangunahing layunin ng journal na maitaguyod ang iba’t ibang anyo at gawaing pagsasalin sa bansa tungo sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Tumatanggap ito ng mga saliksik-salin, pampanitikang salin, mga espesyalisadong salin, mga rebyu ng salin, at iba pa, sa wikang Filipino.

ISSN PRINT 2961-3205/ONLINE 2961-3213

Mababasa sa: https://sites.google.com/view/salinjournal/salin-journal

~~~

P.S. Pana-panahon ding bisitahin ang https://tanggolwika.org/journals/ para sa iba pang mga journal ng/sa Filipino.

Leave a comment