Mensahe ng Pakikiisa sa Unity Statement ng Mga Guro, Empleyado, at Administrador sa Mga Pribadong Paaralan, Kaugnay ng Pandemya

Mensahe ng Pakikiisa sa Unity Statement ng Mga Guro, Empleyado, at Administrador sa Mga Pribadong Paaralan, Kaugnay ng Pandemya

Nakikiisa ang Tanggol Wika sa UNITY STATEMENT ng mga guro, empleyado, at administrador sa mga pribadong paaralan, kaugnay ng pandemya. Hindi pa nakakarecover ang maraming Filipino teachers – lalo na ang mga part-timers – sa krisis na idinulot ng pagtatanggal ng Filipino sa kolehiyo, kaya naman panibagong dagok itong pandemya na nagdudulot na ng inaasahang pagsadsad sa enrollment sa mga pribadong paaralan mula basic education hanggang kolehiyo.

Dapat bigyang-prayoridad sa pagbibigay ng nakabubuhay na ayuda ang mga part-timers dahil sila ang pinakakawawa sa sektor ng edukasyon sa panahong ito. Wala silang sweldo sa panahong walang klase at marami sa kanila ang di rin nakapag-avail ng mga naunang package ng ayuda dahil natapat naman sa panahon na may load o may klase pa sila.

Ang pangkalahatang sitwasyon ng part-time na guro sa kolehiyo ay repleksyon din ng maaaring maging sitwasyon ng libu-libong guro sa pribadong elem at high school na liliit ang enrollment o kaya ay baka magsara pa dahil sa krisis. Babasahin ko sa inyo ngayon ang mensahe mismo sa akin ng isang gurong part-timer mula sa isang malaking State University – ang sitwasyon nya ay sitwasyon din ng mga gurong part-timer sa maraming pribadong paaralan: “Mula po Abril hanggang ngayon, ni piso po ay wala kaming natanggap na ayuda o donasyon o anumang tulong sa admin ng hayop na pup, dahil nga po di kami regular at no employer employee relationship!…”

Sana ay may nakabubuhay na ayuda para sa kanila. 31,000 pesos man lamang kada buwan, katumbas ng family living wage.

Kayang pondohan ito ng gobyerno. Bumabaha ng pera ngayon: 300 bilyon mula Bangko Sentral at bilyun-bilyong piso mula sa mga bagong utang (aabot na sa halos 10 trilyong piso ang utang ng bansa). Sana ay maambunan ng tulong at biyaya ang mga guro at manggagawa sa pribadong paaralan, lalo na ang mga natanggal na sa trabaho at/o mga kontraktwal at/o part-timer na pinakaapektado ng krisis na ito. Totohanin natin ang salitang BAYANIHAN – walang maiiwan, LAHAT AY KAKALINGAIN AT TUTULUNGAN.

01 Hunyo 2020

*Ibinahagi sa online na media forum na pinangunahan ng ACT Private School, hinggil sa sitwasyon ng mga guro at empleyado sa pribadong paaralan sa panahon ng pandemya: https://www.facebook.com/actph1982/videos/2605652449651072/

 
Narito naman po ang link sa UNITY STATEMENT ng mga guro, empleyado, at administrador sa pribadong paaralan sa panahon ng pandemya (PUMIRMA AT MAGPAPIRMA): https://www.facebook.com/ACTPrivateSchools/posts/3856662307741038

Red Checkered Pattern Background HIV _ AIDS Social Media

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s