Running List ng Mga Kolehiyo/Unibersidad na PINASLANG o BINAWASAN na ang Filipino at Panitikan (as of 06 March 2020)
- Angeles University Foundation (mula Academic Year/AY 2020-2021 ay aalisin na ang Filipino)
- Ateneo de Davao University (maliban sa Education courses)
- Camarines Sur Polytechnic Colleges (wala nang Filipino; pinalitan ng Understanding the Self at Gender & Development)
- Catanduanes State University (sa College of Education na lang may 3 yunit ng Filipino at sa College of Arts and Sciences ay 6 yunit naman)
- City of Malabon University
- De La Salle Medical Health Sciences Institute (8 sa 9 na programa/kurso sa loob ng institusyon ang nagtanggal na ng Filipino at sa kursong Bachelor of Science in Physical Theraphy na lamang may natirang 3 yunit ng Filipino)
- Eastern Visayas State University (tatanggalin na ang Filipino at Panitikan simula Academic Year/AY 2020-2021)
- Holy Angel University (mula Academic Year/AY 2020-2021 ay aalisin na ang Filipino)
- Iloilo Science and Technology University
- Isabela State University (tatanggalin na lahat ng Filipino subjects ngayong Agosto 2020)
- J.H. Cerilles State College-Zamboanga del Sur
- Lyceum of Iligan Foundation (simula ngayong AY 2020-2021)
- Mabalacat City College (pinapatapos na lamang ang mga kumuha ng Filipino ngayon pero aalisin na sa susunod na batch)
- Mapua University (may isang subject ng Panitikan pero elective na lang)
- Marikina Polytechnic College
- Palawan State University (maliban sa Education courses)
- Palompon Institute of Technology (ang natirang kaisa-isang Filipino subject ay tatanggalin na sa mga kursong Nautical at Marine Engineering next semester dahil daw sa utos ng Maritime Industry Authority/MARINA)
- Pamantasang Lungsod ng Maynila (3 units na lang ng Filipino sa lahat ng course)
- Republic Central College (mula Academic Year/AY 2020-2021 ay aalisin na ang Filipino)
- Rizal Technological University (elective na lang ang Filipino)
- Surigao State College of Technology
- STI-Novaliches
- Systems Plus Computer College Foundation (mula Academic Year/AY 2020-2021 ay aalisin na ang Filipino)
- Tarlac State University
- Technological University of the Philippines-Taguig
- Trinity University of Asia-Quezon City
- University of Asia & the Pacific (3 units na lang ang natirang Filipino)
- University of Caloocan City (hanggang ngayong Academic Year/AY 2019-2020 na lang ang Filipino; by next AY 2020-2021 wala ng Filipino subject)
- University of Santo Tomas (6 units na lang ng Filipino ang required sa HUSOCOM courses at 3 units naman sa NON-HUSOCOM)
- University of Southeastern Philippines-Davao
- Western Visayas State University (tinanggal na ang Filipino sa lahat ng programs/courses, maliban sa Filipino majors)
- Xavier University-Cagayan De Oro City
- Zamboanga City State Polytechnic College
EBIDENSYA ITO NA MARAMING ADMINISTRADOR ANG UTAK-KOLONYAL AT HINDI MAAASAHANG BOLUNTARYONG ITAGUYOD ANG FILIPINO AT PANITIKAN. ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT MAGKAROON NG MALAKAS NA BATAS NA MAG-UUTOS SA LAHAT NG UNIBERSIDAD NA IBALIK ANG MGA MANDATORING ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN.
[Gentle reminder: Pakirepost/pakishare po. Wala nang kwenta ang likes sa panahon na ito.] Update at kahilingan sa madla (29 Enero 2020): Malapit nang mag-isang taon na nakabinbin sa Kongreso ang House Bill 223 o (Filipino at Panitikan sa Kolehiyo). Umusad nang bahagya. Naka-isang hearing na sa Committee on Higher and Technical Education. May isa na pong co-author bukod sa mga primary author. May dalawang taon pa po tayo para mangalampag. Mahaba pang lakbayin sa bansang pinalalaya pa rin ang sarili sa tanikalang diyamante ng neokolonyalismo.
Mga agarang hakbang na maaaring gawin kaugnay nito:
1) magpapirma ng online at printed na petisyon: https://www.change.org/p/philippine-house-of-representatives-isabatas-ang-house-bill-223-filipino-at-panitikan-sa-kolehiyo
2) sulatan at/o personal na kausapin ang ating mga kongresista para maging co-author din ng batas.
3) sulatan at/o personal na kausapin ang mga senador para magfile ng bersyon nito sa Senado (pormal na tayong nagpaabot sa ilang senador ngunit wala pa ring pormal na tugon, liban sa isang nagsabing inihahanda na nila ang bersyon nila na ififile sa Senado)
4) lumahok sa pulong ng Tanggol Wika (ang unang asembliya sa taong ito ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon).
#HouseBill223Isabatas #TanggolWika #MakabayangEdukasyonA luta continua! Tuloy ang laban!
Sa adamson university ay tuluyan nang pinaslang ang Filipino sa antas tersyarya.
LikeLike