Mga Detalye Hinggil sa Serye ng E-lektura 2021 ng Tanggol Wika

ISKEDYUL (pana-panahong i-uupdate):

  1. Unang Bahagi ng Pasinayang Lektura: “Panimulang Epekto ng Pagtatanggal sa Mandatoring Status ng Filipino at Panitikan sa Mga Departamento ng Filipino (2019-2021): Pagsulong Mula Dislokasyon Tungong Inobasyon, Makabayang Edukasyon, at Kurikular na Desentralisasyon” [20 Pebrero 2021 (Sabado) 8pm] – Dr. Rowell Madula at Dr. David Michael San Juan (DLSU); Dr. Vladimeir Gonzales (UPD);  Prop. Alvin Ringgo Reyes (UST); Dr. Joel Costa Malabanan (PNU), at Prop. Jun Yang Badie (NDMU)
  2. Ikalawang Bahagi ng Pasinayang Lektura: “Panimulang Epekto ng Pagtatanggal sa Mandatoring Status ng Filipino at Panitikan sa Mga Departamento ng Filipino (2019-2021): Pagsulong Mula Dislokasyon Tungong Inobasyon, Makabayang Edukasyon, at Kurikular na Desentralisasyon” [13 Marso 2021 (Sabado) 8pm] – Prop. Alice Cubillan (XU); Prop. Manolito Mata (BulSU); at Dr. Mary Ann Sandoval (MSU-IIT).
  3. Lektura 2: “Taripikasyon ng Bigas sa Panahon ng Pandemya: Sipat-Polisiya at Alternatibong Programa Tungo sa Pagpapalakas ng Lokal na Produksyon” [06 Marso 2021 (Sabado) 8pm] – Dr. David Michael M. San Juan (Tanggol Wika/DLSU/PSLLF)
  4. Lektura 3: “Komparatibong Pagsusuri ng mga Polisiyang Pangkalusugan sa Pandemyang COVID-19: Ang Mga Kaso ng Vietnam at Sarawak, Malaysia” [20 Marso 2021 (Sabado) 8pm] – G. Jeconiah Louis Dreisbach (DLSU/PSLLF/Tanggol Wika)
  5. Lektura 4: “Crash Course sa Pagsasagawa ng Action Research” [21 Abril 2021 (Miyerkoles) 8pm] – G. John Kelvin Briones (PRC)
  6. Lektura 5: “Ang Guro sa Pribadong Sektor sa Panahon ng Pandemya” at “Dignidad, Karapatan, Kalayaan: Konteksto at Nilalaman ng Panukalang Magna Carta for Private School Teachers at Updated Magna Carta for Public School Teachers” [24 Abril 2021 (Sabado) 8pm] – Dr. Jonathan Vergara Geronimo (UST/ACT Private Schools) at Dr. David Michael San Juan (DLSU/PSLLF/Tanggol Wika)
  7. Lektura 6: “Pagwiwika, Pedagohiya, at Praktika ng ‘Lumad’ sa Bakwit Iskul” [unang na-live sa PSLLF page dahil sa problemang teknikal sa page ng Tanggol Wika: 08 Mayo 2021 (Sabado) 8pm; rebrodkast sa Tanggol Wika page: 14 Mayo 2021 (Biyernes) 8pm] – Prop. Jose Monfred Sy (UPD)
  8. Lektura 7: “Ang Pagsasalin sa Panahon ng Google Translate: Ilang Usapin at Rekomendasyon” [29 Mayo 2021 (Sabado) 8pm] – Dr. Raquel Sison-Buban (DLSU/PATAS/TW)

MEKANIKS NG PAGLAHOK:

  1. Ang Serye ng E-Lektura 2021 ng Tanggol Wika ay bukas para sa lahat ng gustong lumahok.
  2. I-like at i-follow ang Facebook page ng Tanggol Wika (www.facebook.com/TANGGOLWIKA).
  3. Markahan ang karampatang tugon sa https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/events bago ang lekturang nais lahukan.
  4. Sa takdang iskedyul, panoorin ang mga lektura sa www.facebook.com/TANGGOLWIKA/live
  5. I-share ang video ng lektura gamit ang #TanggolWika at ang isa pang hashtag na nakabatay sa tema ng lektura (inaanunsyo ito sa mismong lektura).
  6. Magkomento sa thread sa ilalim ng video (para sa katanungan, reaksyon atbp.). Pana-panahon ding magkakaroon ng live na open forum depende sa mga lektyurer.
  7. Kung nais magkaroon ng e-sertipiko ng paglahok, i-fill-out ang form na ilalabas pagkatapos na pagkatapos ng bawat lektura.
  8. Ang form para sa e-sertipiko ay mananatiling bukas hanggang ISANG ORAS lamang mula sa pagtatapos ng bawat lektura.
  9. Bunsod ng maraming pag-bounce ng email at/o hindi pagka-receive ng file na in-email namin sa mga email na @deped.gov.ph, ipinapaalala namin sa madla na HUWAG GAMITIN PARA SA PAGREREQUEST NG E-CERTIFICATE ang DepEd email.
  10. SIGURADUHING NAPANOOD NANG BUO ANG LEKTURA BAGO MAG-REQUEST NG E-CERTIFICATE. Halos lahat ng partisipant na nahirapan sa pagsagot ng form ay yaong mga hindi malaman kung ano ang ilalagay sa hinihinging password – na naiwasan sana kung pinanood nang buo ang lektura.
  11. Kung nanood ka (at kung gayo’y alam mo ang password, HUWAG SABIHIN ITO KANINUMAN. HINDI FOR SHARING ANG PASSWORD. I-BABAN sa page ng Tanggol Wika ang sinumang mahuling magbahagi ng password. Ang hindi makasagot ng password ay malamang na di nanood ng lektura).
  12. Mas mahaba at mabusisi ang proseso ng pag-rerequest ng e-certificate dahil sa mga tangkang isabotahe ang mga Google Form natin sa nakaraang linggo. Hindi rin po namin ginusto ang ganitong paghihigpit ngunit wala kaming ibang opsyon, para patuloy na maging maayos at walang problema ang pagpoproseso natin sa mga sertipiko.
  13. TIYAKING BINASA ANG BAWAT PANUTO. May mangilan-ngilang hindi sumunod sa lahat ng ibinigay na panuto (halimbawa’y ibang password ang inilalagay o kaya’y sa ibang email address nagpadala ng mensahe).
  14. TIYAKING TAMA ANG PANGALAN AT EMAIL ADDRESS (GMAIL DAPAT) NA ITA-TYPE SA FORM DAHIL SYSTEM-GENERATED NA PO ANG MGA E-SERTIPIKO AT HINDI PO MAG-EENTERTAIN NG ANUMANG REQUEST SA PAGPAPALIT NG PANGALAN AT/O MULING PAGPAPADALA NG E-SERTIPIKO.
  15. Maipapadala ang sertipiko bago matapos ang o pagkalipas ng isang buwan mula sa araw ng lektura. I-check din ang SPAM, SOCIAL, o PROMOTIONS folder ng inyong email. Minsan ay doon ipinadadala ang mga email na mula sa mga address na unang beses pa lamang na makakaengkwentro ng inyong email.
  16. Ang mga video lecture ay mapapanood pa rin sa Facebook page ng Tanggol Wika kahit tapos na ang iskedyul ng mga lektura. Gayunman, hindi na makahihingi ng sertipiko ang mga manonood nito lagpas sa takdang iskedyul.

LINK SA BAWAT LEKTURA SA SERYE NG E-LEKTURA 2021 (pana-panahong i-uupdate ang playlist): https://www.facebook.com/watch/TANGGOLWIKA/1814017735443468/

LINK SA MGA LEKTURA NOONG 2020:

https://www.facebook.com/watch/TANGGOLWIKA/295519024878652/

https://www.facebook.com/watch/TANGGOLWIKA/185310759758046/

FORM PARA SA E-SERTIPIKO (inilalabas pagkatapos na pagkatapos ng lektura at isinasara rin pagkatapos ng 1 oras): *BUKSAN ANG LINK GAMIT ANG PASSWORD. Ang password ay malalaman kapag pinanood ang buong lektura.

STATUS NG PAGPAPADALA NG MGA E-SERTIPIKO

  1. Para sa Unang Bahagi ng Pasinayang Lektura – NAIPADALA NA (Marso 03, 2021)
  2. Para sa Lektura 2 – NAIPADALA NA (Marso 12, 2021)
  3. Para sa Ikalawang Bahagi ng Pasinayang Lektura – NAIPADALA NA (Marso 17, 2021)
  4. Para sa Lektura 3 – NAIPADALA NA (Marso 22, 2021)
  5. Para sa Lektura 4 – NAIPADALA NA (Mayo 11, 2021)
  6. Para sa Lektura 5 – NAIPADALA NA (Mayo 16, 2021)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s