Senate Bill 1838 (Filipino at Panitikan sa Kolehiyo) Inakda ni Sen. Kiko Pangilinan

Mahalagang pabatid!

Ngayong 17 Pebrero 2021 ay nasipat natin online ang sipi ng Senate Bill 1838 (” ISANG BATAS NA NAGTATAKDA NG HINDI BABABA SA SIYAM (9) NA YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO AT TATLONG (3) YUNIT NG ASIGNATURANG PANITIKAN SA KURIKULUM NG KOLEHIYO”) na inakda ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Bunga ito ng tuluy-tuloy nating paglolobby sa Senado, bilang pagpapalakas pang lalo sa matagal nang inihaing House Bill 223 ng ACT Teachers Partylist at iba pang partidong kabilang sa Makabayan Bloc.

Dahil sa pandemya ay natabunan ito at di rin nabalita bagamat noong September 21, 2020 ito i-finile sa Senado, at kasalukuyang nasa Committees on HIGHER, TECHNICAL AND VOCATIONAL EDUCATION and FINANCE ng Senado.

Ngayong Buwan ng Mga Sining ay ipinapaabot natin ang pasasalamat kay Sen. Pangilinan at sa kanyang mga staff para sa nabanggit na panukalang batas. Hinihiling din natin sa mga senador na agarang isabatas na ang panukalang batas na ito. Gayundin, hinihiling natin sa Tanggapan ng Pangulo na isertipikang “urgent” ang House Bill 223 at Senate Bill 1838 upang lalong maging mabilis ang pagsasabatas ng mandatoring status ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Bagamat ilang buwan na lamang ang natitira para sa Kongreso at Senadong ito, naniniwala tayo na maaari pa rin itong maisabatas sa panahong ito bago ang eleksyong 2022. Anu’t anuman, sa pamamagitan ng ating patuloy na sama-samang pagkilos, unti-unting lalawak ang panig ng mga sumusuporta sa pagkakaroon ng mandatoring asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, at kung hindi man sa taong ito ay tiyak na maisasabatas din ito sa ating panahon. Nailagay na ang mga panandang bato, kailangang tuluy-tuloy na lang na buuin ang gusali.

A luta continua! Tuloy ang laban!

Wika at bayan, ipaglaban!

Narito ang sipi ng Senate Bill 1838:

Masisipat din sa website ng Senado ang sipi ng Senate Bill 1838: http://legacy.senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=18&q=SBN-1838

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s