Paunawa: Ngayong 29 Marso 2021 ay naglabas ng rekording ng ilang bahagi ng “Pasion DING TALAPAGOBRA” ni Lino Gopez Dizon (“PASYON NG MGA MANGGAGAWA”) ang Tanggol Wika [https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/videos/483539612800825]. Hinihikayat ang mga kababayang mas maalam sa pag-awit ng Pasion na maglabas ng mas marami pang rekording. Inaawit pa rin ito sa ilang bahagi ng Pampanga sa ngayon.
Sa rekording ng Tanggol Wika ay sadyang pinili ang mga bahaging akmang-akma pa rin sa ating panahon. Ang Pasion ni Dizon ay tahas na politikal na pasyon na tumatalakay sa mga suliraning ekonomiko ng mga manggagawa at magsasaka sa ilalim ng sistemang kapitalista, at nagtataguyod ng sosyalismo bilang alternatibo sa kapitalismo, habang nagbibigay-diin sa mga progresibong aspekto ng orihinal na Kristyanismo (halimbawa’y ang pagbibigay-pokus sa katarungang panlipunan at pagkalinga sa mga mahihirap). Napakahusay na materyal sa edukasyong pangmadla ang Pasion ni Dizon. Sa konteksto ng patuloy na pangingibabaw ng iilang mayayamang kapitalista sa ating lipunan, nananatiling makabuluhan ang pangkalahatang mensahe ng Pasion ni Dizon.
Narito ang ilang supplementary materials kaugnay ng “Pasion Ding Talapagobra” (“Pasyon ng Mga Manggagawa”) ni Dizon:
Sipi ng Pasion at ng salin sa Filipino mula sa aklat ni Dr. Teresita Gimenez Maceda: https://siwalangsinukuan.files.wordpress.com/2017/05/pasyun-ning-talapagobra-lino-dizon.pdf
Foreword ni Reynaldo Ileto sa aklat ni Dr. Maceda [English]: https://www.academia.edu/22297496/_1996_Foreword_to_T_Maceda_Mga_Tinig_Mula_sa_Ibaba_Kasaysayan_ng_Partido_Komunista_ng_Pilipinas_at_Partido_Sosialista_ng_Pilipinas_sa_Awit_1930_1955
Tungkol sa awtor ng Pasion (Lino Gopez Dizon) [Kapampangan]: https://www.facebook.com/eric.dizon.754/posts/691851827620205
Lathalain tungkol sa Pasion [English]: https://newsinfo.inquirer.net/775725/pasyon-with-socialist-slant-survives-wars
Lathalain tungkol sa Pasion: http://tupangpula.blogspot.com/2009/02/ang-pulang-pasyon.html
Lathalain tungkol sa Pasion [English]: https://medium.com/liwanag-at-anino/passion-of-christ-for-the-working-class-most-of-the-unfortunate-die-not-of-illness-but-of-f1f31b7ea934
Pag-awit ng Pasion sa YouTube [kaisa-isang rekording doon, sa ngayon]: https://www.youtube.com/watch?v=1wERzHR-bTc&t=309s