Mga Awit ng Manggagawa sa Buong Daigdig (Pakikiisa sa #MayoUno2021 )

Ang Mayo Uno ay Pandaigdigang Araw ng Paggawa/International Day of Labor. Sinasariwa at binabalik-tanawan sa araw na ito ang mga historikal na tagumpay ng kilusang manggagawa (labor/workers’ movement) gaya ng 8-hour workday o 8 oras na paggawa lamang kada araw (dati-rati’y normal ang 12 oras ng trabaho kada araw at lagpas pa), seguridad sa trabaho, karapatan na magkaroon ng pensyon pagkaretiro (dati-rati’y walang pensyon at karaniwang nagiging pulubi ang maraming manggagawa dahil pagkaretiro’y wala nang maaasahang kita) atbp. Totoong marami sa mga naipagwaging laban noon ay tila nabalewala dahil sa pangingibabaw at halos ganap na kontrol pa nga ng uring kapitalista (mga dambuhalang korporasyon at iilang napakayamang dinastiya) sa sistemang politikal ng bansa at maging ng buong daigdig.

Gayunman, dapat pa ring patuloy ipagdiwang ang araw na ito bilang pagpapaalala sa potensyal at posibilidad na baguhin at pabutihin ang daigdig sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga manggagawa – ang pinakakonsentrado, pinakasolido, pinaka-organisadong sektor ng lipunan dahil na rin sa kalikasan o nature mismo ng pagiging manggagawa.

Sa kabila ng tinatawag na atomisasyon o pagbibiyak-biyak ng dati-rati’y malalaking bloke ng sektor ng mga manggagawa at/o pagpapahina sa karapatan nilang mag-organisa, hindi maikakaila na saanmang sektor ng paggawa – sa industriyal na sektor gaya ng mga nasa pabrika; sa agrikultural at/o agro-industriyal na sektor gaya sa mga hacienda at asukarera (pigaan ng tubo at/o pagawaan ng asukal); sa sa sektor ng serbisyo (gaya ng mga guro, BPO agents, Grab/Foodpanda drivers atbp.), hindi maaaring maging manggagawa ang manggagawa nang mag-isa lamang.

Laging kakabit at karugtong ng pagiging manggagawa ang araw-araw na pakikisalamuha, pakikipag-usap, pakikipagbungguang-braso atbp. sa kapwa manggagawa. Samakatwid, laging may malaking potensyal at posibilidad na muling mapasigla ang pagsasama-sama, pagbubuklod-buklod, pagtitipon-tipon ng mga manggagawa saanmang sektor, tungo sa ikapagtatagumpay ng kanilang mga pangunahing kagyat na hinaing gaya ng sapat na ayuda para sa lahat at nakabubuhay na sweldo para sa bawat obrero, at malaon, tungo rin sa paghubog ng isang lipunang mas malaya, mapagkalinga, maunlad, makatarungan, at demokratiko – isang lipunan na wala nang pang-aapi at pagsasamantala.

Sa ganitong diwa, bilang pakikiisa ng Tanggol Wika sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa, narito ang isang maikling talaan ng mga pinakapopular na awiting pang-manggagawa sa buong daigdig. Hinihikayat ang mga guro sa lahat ng antas at asignatura na pana-panahong iparinig sa klase at talakayin ang mensahe ng mga awiting ito na bahagi na ng kasaysayan ng mga mamamayan sa buong mundo. Ilan lamang ito sa mga awiting magpaparamdam sa bawat isa na hindi ka nag-iisa, hindi tayo nag-iisa, marami tayo, nakikibaka, marami tayong magkakasama sa isip, sa salita, at sa gawa.

Mula Argentina: “Cuando Tenga La Tierra” (“Kapag Akin na Ang Lupa”)

Music video na may lyrics sa English

Studio version

Mula sa Sweden: “Arbetets Söner” (“Mga Anak ng Manggagawa”)

Lyrics video (Swedish at English)

Mula sa Chile: “El pueblo unido jamas será vencido” (“Ang Nagkakaisang Sambayanan ay Di Malulupig”)

Bersyong live ng Inti-Illimani

Bersyon ng Inti-Illimani (may English subtitles; (i-click ang settings/icon na gulong na bakal/enggranahe/gear para palitan ang subtitle)

Bersyong Filipino (“Awit ng Tagumpay”)

Mula sa Italya: “Bandiera Rossa” (“Pulang Bandila”)

Lyrics video (English at Italyano)

Bersyong inawit sa balkonahe sa Brussels, Belgium sa panahon ng COVID-19 lockdown

Bersyon ni Claudio Villa

Lathalain sa pinagmulan ng awit

Mula sa Estados Unidos: “Solidarity Forever”

Popular na bersyon ni Pete Seeger/The Almanac Singers

Mas mahabang bersyon (acapella; lyrics video)

Lyrics at ilang tala hinggil sa iba’t ibang bersyon

Solidaridad ‘Pa Siempre (bersyong Espanyol)

Mula sa Estados Unidos: “Worker’s Song” 

Inawit ng Dropkick Murphys 

Mula sa Estados Unidos: “Union Maid”

Bersyon ni Pete Seeger

Bersyon ni Billy Bragg et al.

Mula sa United Kingdom: “The Red Flag” (“Ang Pulang Bandila”)

Tradisyunal na bersyon (tunog ng “O Christmas Tree”)

Bersyon ni Billy Bragg

Lyrics ng buong bersyon

Mula sa Chile: “Marsellesa Socialista” (“The Socialist Marseillaise”)

Music video na may subtitles sa Espanyol at English (i-click ang settings/icon na gulong na bakal/enggranahe/gear para palitan ang subtitle)

Mula sa Rusya: “Marsellesa ng Mga Manggagawa” (“Worker’s Marseillaise”)

Music video na may lyrics sa Ruso at English

Ilang tala hinggil sa awit

Artikulo tungkol sa orihinal na La Marseillaise (pambansang awit ng Pransya) na pinagbatayan ng musika ng Marsellesa Socialista at Marsellesa ng Mga Manggagawa

Mula sa Germany: “Marsellesa ng Mga Manggagawa” sa German (“Arbeiter Marseillaise”)

Music video na may lyrics sa English

Mula sa Pakistan: “Utho meri duniya” (“Gisingin mo Ang Aking Daigdig”)

Inawit ng bandang Laal

Mula sa Pilipinas: “Awit ng Proletaryo”

Bersyon ng Tambisan sa Sining (a cappella; music video)

Lyrics video ng EPICS

Mula sa Pilipinas: “Sigaw ng Pag-aaklas”

Inawit ng Tambisan sa Sining

Pandaigdigang Awit ng Paggawa (“Internationale”) sa Iba’t Ibang Wika

Bersyong Bahasa Indonesia

Bersyong Bahasa Melayu

Bersyong Vietnamese

Bersyong Thai

Bersyong Burmese

Bersyong Lao

Bersyong South Korean

Bersyong North Korean

Bersyong Japanese

Bersyong Jamaican

Bersyong Espanyol at Portuges (latinoamericana y caribeña)

Bersyong Ruso

Bersyong Espanyol (mula Cuba)

Bersyong Urdu (mula Pakistan)

Bersyong Chinese at French

Bersyong German

P.S. Ang Internasyunale o Internationale sa Pranses ay itinuturing na Pandaigdigang Awit ng Paggawa. Isa ito sa mga pinaka-isinasaling awit (bukod sa Tagalog at Kapampangan ay may bersyong Pilipino at Filipino rin). Mababasa rito ang maikling kasaysayan ng awit Internasyunale (artikulo sa Filipino): http://tupangpula.blogspot.com/2009/04/ang-awiting-internasyunal.html Mapapanood sa dokyumentaring ito ang kasaysayan ng Internasyunale: https://www.youtube.com/watch?v=rSAzBOHmrJo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s