Anunsyo mula sa Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS)
MEKANIKS PARA SA TIMPALAK-SALIN
Pandaigdigang Araw ng Pagsasalin 2022
Paksa ng materyal na isasalin:
Lahat ng Kaugnay ng Martial Law sa Pilipinas
- Bukas ang patimpalak sa lahat ng interesado liban sa mga opisyal ng PATAS at mga kaanak nila.
- Pipili ng isang sanaysay na nasa wikang Ingles tungkol sa Martial Law at sa mga kaugnay na paksa tulad ng First Quarter Storm, atbp.
- Kinakailangang nasa 800-1000 salita ang simulaang teksto na isasalin sa wikang Filipino.
- Isasabmit ito na may kalakip ng pagpapatunay na ang kalahok ang tunay na nagsalin ng materyal at ang sanaysay na isinalin ng kalahok ay hindi pa naisasabmit o nailalathala sa anumang publikasyon.
- Ilakip ang kopya (scanned) ng orihinal na teksto at detalye (pinagkunan at petsa) ng materyal na isinalin.
- Ang lahok na salin ay kailangang nakaayon sa SL-TL na pormat (Simulaang Teksto-Tunguhang Teksto).
Simulaang Teksto Orihinal (Ingles) | Tunguhang Teksto Salin (Filipino) |
- Maglaan ng 1-2 talatang paliwanag kung bakit karapat-dapat na isalin ang piniling sanaysay.
- Maglakip ng isang talatang bionote ng tagasalin (Isabmit nang hiwalay.) Mag-fillout ng itinakdang entry form. Walang anumang dapat na pagkakakilanlan sa identidad ng nagsalin ang nakalagay sa salin.
- Kinakailangang doble espasyo, Times New Roman ang font type, 12 points ang sukat; naka-pdf format.
- I-email ang mga lahok sa patas.salin@gmail.com. gamit ang subject name na: timpalak salin_pamagat ng akda (halimbawa: timpalak salin_Before ML: January 1970)
- Ang mga magwawagi ng Una hanggang Ikatlong gantimpala ay tatanggap ng Sertipiko ng Pagkilala, mga piling aklat, at mailalathala ang salin alinsunod sa mga kahingian at pamantayan ng Salin Journal ng PATAS, Inc.
- Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
- Pipiliin ang mga magwawagi batay sa mga sumusunod na pamantayan:
Kaangkupan sa tema ng materyal 10%
Katapatan sa ideya at layunin ng simulaang teksto 25%
Kalinawan at kawastuhan ng salin 40%
Kaayusan at kalinisan ng lenggwahe ng salin 25%
Kabuuan 100%
- Huling araw ng pagpapasok ng lahok: Setyembre 15, 2022, 11:59 ng gabi.
- Pagpapabatid ng mga nagwagi: Setyembre 30, 2022.
