UPDATED: Mahahalagang impormasyon kaugnay ng Coronavirus at COVID-19:

  • Pagpapalakas ng resistensya ang pangunahin nating panlaban sa coronavirus. Narito ang mga natural na paraan ng pagpapalakas ng resistensya ayon sa Harvard Health Publishing ng Harvard Medical School:
  1. Huwag manigarilyo.
  2. Kumain ng maraming prutas at gulay.
  3. Regular na mag-ehersisyo.
  4. Tiyakin sakto sa tangkad ang iyong timbang.
  5. Umiwas sa pag-inom ng inuming nakalalasing.
  6. Tiyaking sapat ang tulog araw-araw.
  7. Madalas na maghugas ng kamay.
  8. Lutuing maigi/mabuti ang karneng kakainin.
  9. Umiwas sa stress.
  • Ang sabon ay mainam ding panlaban sa mikrobyo. Ugaliing maghugas nang maigi gamit ang sabon. Mas mura ang sabon kaysa alkohol, at di pa rin naman nagkakaubusan nito.
  • Para sa alkohol, dapat ay 60% pataas ang konsentrasyon para maging mabisang panlaban sa mikrobyo.
  • Huwag nang mag-face mask kung malakas naman ang iyong pangangatawan at wala ka namang sakit sa baga at/o wala ka namang iniindang ibang karamdaman na makapagpapahina sa iyong resistensya. Mas kailangan ng mga nars, doktor, at iba pang nagtatrabaho sa ospital ang mga face mask kaya huwag nang bumili at maki-agaw pa sa kakaunti na ngang suplay. Gayunman, kahit malakas ang pangangatawan mo at nag-aalaga ka ng taong may sintomas ng COVID-19, kailangan mo ring mag-face mask.
  • Agad na magpatingin sa ospital kapag may kombinasyon ng mga sumusunod na sintomas ng COVID-19: runny nose (tumutulo sa ilong ang tila malabnaw na likido/sipon); sore throat (nahihirapang lumunok, parang nanunuyo at/o kumakati ang lalamunan); ubo; lagnat (temperaturang 37.8 degrees Celsius pataas); nahihirapang huminga. LIBRE na at saklaw ng Philhealth ang testing para sa COVID-19 kaya di dapat magpatumpik-tumpik kung may sintomas. Tingnan din ang kalakip na larawan mula sa Department of Health (DOH) para makita kung kailangan mo na talagang magpatingin sa doktor at/o agad na magpatest:

TriageDOH

  • Ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay mainam ding magpatingun na kaagad.
  • Agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na ospital o sa inyong barangay health center para magpatulong kung paano makakapagpatest.

Maaari ring kontakin ang mga sumusunod:

San Lazaro Compound, Tayuman, Sta. Cruz, Manila Philippines 1003

Telephone No. (632) 8651-7800

DOH Call Center

Telephone No: (632) 8651-7800 local 5003-5004

(632) 165-364

Mobile No (DOH Main Office): +63918-8888364

Email Address: callcenter@doh.gov.ph | doh.callcenter@gmail.com

  • Narito ang kompletong listahan ng mga ospital/pagamutan/institusyon na may kakayahang magtest para sa COVID-19:
  1. Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa
  2. San Lazaro Hospital at University of the Philippines – National Institutes of Health sa Maynila
  3. Lung Center of the Philippines sa Quezon City
  4. Baguio General Hospital and Medical Center sa Hilagang Luzon
  5. Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Visayas
  6. Southern Philippines Medical Center sa Mindanao.
  • Kung may sintomas ng COVID-19 – halimbawa’y nilalagnat – iwasang uminom ng Ibuprofen dahil posibleng makapagpahina pa iyon sa kakayahan ng katawan na labanan ang virus, ayon sa ilang eksperto (bagamat, ayon sa iba ay nangangailangan pa ito ng karagdagang pag-aaral). Paracetamol lamang muna ang inumin.
  • Ang mga may edad na, may diabetes, altapresyon, sakit sa puso, at mga mahihina ang resistensya ay mas madaling kakapitan ng virus kaya pinapayuhan sila na huwag nang masyadong lumabas ng bahay at umiwas sa pakikipagkamay atbp. kontak.
  • Iwasan ang pakikipagkamay, paghalik atbp. porma ng kontak. May mga taong walang sintomas ng COVID-19 pero carrier o nagtataglay nito at makakahawa pa rin, kaya mainam ang pag-iwas sa kontak at sa matataong lugar.
  • Iwasan na rin muna ang paghimas sa alagang hayop habang wala pang kompletong impormasyon sa posibilidad ng transmisyong tao sa hayop at hayop sa tao.
  • Regular na imonitor ang sitwasyon:
  1. Narito ang FB page ng DOH: https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/
  2. Narito naman ang FB page ng World Health Organization-Philippines (WHO-Philippines): https://www.facebook.com/whophilippines/
  3. Narito naman ang FB page ng CURE COVID (Citizens’ Urgent Response to End COVID-19): https://www.facebook.com/curecovidph

#SerbisyoPubliko #AnunsyoFilipino #COVID-19 #Coronavirus #CommunityQuarantine

IMINUMUNGKAHING BASAHIN DIN ANG ARTIKULONG ITO: https://tanggolwika.org/2020/03/18/mga-modelong-pagtugon-sa-krisis-na-dulot-ng-covid-19-sa-loob-at-labas-ng-pilipinas/

Sanggunian:

https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/how-to-boost-your-immune-system

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/infection-control/hcp-hand-sanitizer.html

https://www.theguardian.com/commentisfree/2020/mar/12/science-soap-kills-coronavirus-alcohol-based-disinfectants

https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/advice-for-public/when-and-how-to-use-masks

https://www.theguardian.com/world/2020/mar/14/anti-inflammatory-drugs-may-aggravate-coronavirus-infection

https://www.sbs.com.au/news/who-warns-against-use-of-ibuprofen-for-coronavirus-symptoms

https://www.france24.com/en/20200317-avoid-taking-ibuprofen-for-covid-19-symptoms-who

https://www.thelancet.com/journals/lanres/article/PIIS2213-2600(20)30116-8/fulltext

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s