UPDATED: Tanggol Wika Serye ng E-Lektura 2020

Tanggol Wika Serye ng E-Lektura 2020
Ang proyektong ito ay tugon ng Tanggol Wika sa pangangailangan na magprodyus ng mga materyal na panturo at para sa edukasyong pangmadla rin. Tampok dito ang mga lekturang kaugnay ng wika, panitikan, kultura, at lipunan. Pokus ng mga lektura mula sa mga kaTanggol Wika sa iba’t ibang unibersidad, ang mabilis at malinaw na makapagbahagi ng impormasyon habang pinapalalalim at pinapalawak din ang kamalayang panlipunan ng mga manonood/partisipant sa e-lektura, sa panahon ng COVID-19 pandemic na hindi pa pinapayagang muli ang pagsasagawa ng mga aktwal na forum, seminar, atbp.
Isinaalang-alang ang pagtitiyak na ang mga e-lektura ay madali pa ring maakses kahit ng mga may mabagal na koneksyon ng internet sa marami-raming lugar lalo na sa labas ng Metro Manila, kaya’t sadyang mas simple ang presentasyon at ang “video” ay audio at mga larawan ang kalakhan, sa halip na aktwal na video na gumagalaw. Pana-panahong iaapdeyt ang web page na ito.
PAPARATING NA LEKTURA SA SERYE NG E-LEKTURA 2020 ng TANGGOL WIKA (NASA BANDANG HULIHAN ANG MGA NAKARAANG LEKTURA)
~~~

I-CLICK PARA MAKITA ANG DETALYADONG IMPORMASYON:Paano makalahok sa mga e-lektura at paano makakuha ng e-sertipiko

~~~
MGA NAKARAANG ISKEDYUL AT LINK SA MGA VIDEO LECTURES:
Mayo 2, 2020 (Sabado); 8pm: LEKTURA 1: #IsyungPanlipunan
Paksa: “Ang Manggagawang Pilipino sa Panahon ng COVID-19”
Prop. David Michael San Juan
Convener, Tanggol Wika; Propesor, DLSU-Manila; Pangulo, PSLLF
Mayo 9, 2020 (Sabado); 3:00pm: LEKTURA 2: #VideogamesAtPanitikan
Paksa: “Videogames at Panitikan”
8:00pm: LEKTURA 3: #PagsasalinAtCOVID19
Paksa: “Pagsasalin at COVID-19”
Prop. Vladimeir Gonzales
Convener, Tanggol Wika; Tagapangulo, Departamento ng Filipino at Mga Panitikan ng Pilipinas, UP-Diliman


 

Mayo 20, 2020 (Miyerkoles); 8:00pm: LEKTURA 4: #MusikangMakabayan #PagtatahipDunong
Paksa: “Pagtatahip-Dunong: Paggamit ng Musikang Makabayan sa Pagtuturo”
Prop. Joel Costa Malabanan
Convener, Tanggol Wika, Klaster ng Filipino, Philippine Normal University-Manila
Mayo 20, 2020 (Miyerkoles); 9pm: LEKTURA 5: #PanitikanAtLipunan #SosyedadAtLiteratura #SosLit 
Paksa:  “Multidisiplinaring Dulog sa Pagbasa at Pagtuturo ng Panitikan: Panimulang Pagsipat sa Programang Ekonomiko, Edukasyonal, at Politikal ng Nobelang ‘Mga Ibong Mandaragit’ ni Amado V. Hernandez “
Prop. David Michael M. San Juan
Convener, Tanggol Wika; Pangulo, PSLLF; Propesor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila
Mayo 22, 2020 (Biyernes); 4:00 pm: LEKTURA 6: #PinoyFanWriting
Paksa: “Pinoy Fan Writing para sa mga Guro at Manunulat”
Prop. Vladimeir Gonzales
Convener, Tanggol Wika; Tagapangulo, Departamento ng Filipino at Mga Panitikan ng Pilipinas, UP-Diliman
Hunyo 5, 2020 (Biyernes); 8pm: LEKTURA 7: #PosisyongPapel
Paksa: “Panimulang Kurso sa Pagsulat ng Resolusyon, Posisyong Papel, Liham-Petisyon, Lobby Letter at Iba Pa”
Prop. David Michael San Juan
Convener, Tanggol Wika; Propesor, DLSU-Manila; Pangulo, PSLLF
Hunyo 12, 2020 (Biyernes); 8pm: LEKTURA 8: #HouseBill223Isabatas
Paksa: “Lehislasyon Kaugnay ng Wikang Pambansa at Panitikan sa Neokolonyal na Lipunan: Batayan, Argumento, at Pagbubuo ng ‘Advocacy Coalition’Tungo sa Pagsasabatas ng House Bill 223 (Filipino at Panitikan Bilang Required na Asignatura sa Kolehiyo)”
Prop. David Michael San Juan
~~~
Hunyo 28, 2020 (Sabado); 8pm: #OnlineNaGuro
Paksa: “Ang Online na Guro sa Panahon ng Pandemyang COVID-19”
Prop. Rhoderick Nuncio
Tagapangulo, Departamento ng Filipino, DLSU-Manila
Founding Chair of the Board, Networked Learning PH, Inc. (NLPH)
~~~
MAAARI RIN PONG MAPANOOD NANG DIREKTA ANG MGA VIDEO LECTURE sa www.facebook.com/TANGGOLWIKA/live

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s