Klaripikasyon Hinggil sa Ibuprofen Kaugnay ng COVID-19

Klaripikasyon (oras 9:06 PM):
Para sa COVID19, higit na maigting na pag-aaral ang kinakailangan upang matiyak na ang mga gamot na tulad ng ibuprofen at iba pang NSAIDs ay siya ngang nakasasama, lalong higit sa mga pasyenteng may iba’t ibang karamdaman (tulad ng diabetes, altapresyon, hika).

Gayunpaman, para sa mga sintomas na tulad ng lagnat at pananakit ng lalamunan, mas makabubuting gumamit muna ng paracetamol (kung kayo po ay walang allergy).

Higit sa lahat, kumonsulta sa inyong doktor kung kayo ay may katanungan at pag-aalinlangan.

***
Para sa publiko: Huwag po munang gumamit ng gamot na ibuprofen para sa lagnat o sakit ng katawan kung kayo ay PUM o PUI o may sakit na COVID19. Maaari po itong makasama kung kayo ay may coronavirus (may sintomas man o wala).

Narito po ang ilan sa mga kilalang brand ng ibuprofen sa Pilipinas (tiningnan ko po sa MIMS):

Advil
Alaxan
Bioflu Non-Drowsy
Brufen
Cortal
Dolan
Duoflam
Faspic
Feverfree
Medicol

Ang sabi po ng mga eksperto mula sa WHO ay mas safe na mag-Paracetamol na lang muna. Mga halimbawa ng Paracetamol (iilan lamang po ang mga ito):

Biogesic
Calpol
Tempra
Tylenol

Mag-ingat po tayo, at magtanong sa doktor kung kayo ay may pag-aalinlangan.

Narito po ang isang lathalain tungkol dito: https://www.sciencealert.com/who-recommends-to-avoid-taking-ibuprofen-for-covid-19-symptoms/amp?fbclid=IwAR1pXv0ZbRoAtcslfcM5UI8QsnVaSh-z_RLf4JZkYUwZkcwPCP8-ZFjGRRg

(Paunawa: Ang maikling note na ito ay mula sa FB post ni Dr. Pacifico Eric Calderon, manggagamot at eksperto sa bioetika. Ni-reupload namin at ibinahagi ito nang may permiso niya. Naniniwala ang Tanggol Wika na mahalagang gamiting wika ng medisina at agham ang wikang sariling atin upang higit na maging epektibo at mabilis ang pagpapalaganap ng mga ganitong impormasyon.)

#AnunsyoFilipino #SerbisyoPubliko #COVID19

WHO

Inirerekomenda ring basahin ang mga sumusunod na kaugnay na post ng Tanggol Wika:

https://tanggolwika.org/2020/03/18/updated-mahahalagang-impormasyon-kaugnay-ng-coronavirus-at-covid-19/

https://tanggolwika.org/2020/03/18/mga-modelong-pagtugon-sa-krisis-na-dulot-ng-covid-19-sa-loob-at-labas-ng-pilipinas/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s