
ANG LATEST UPDATES AY NARITO SA ITAAS. Ang mga dating updates ay nasa pinakailalim po.
15 Mayo 2020 (MANGYARING PAKIBASA PO NANG BUO. MARAMING SALAMAT)
PAKI-SHARE PO at/o paki-TAG ang iba pang lumahok/nanood ng ating mga webinar. (HILING PO NAMIN NA SANA AY MAGING MAS MASIPAG TAYONG LAHAT SA PAGSE-SHARE/PAGREREPOST NG MGA POST NG TANGGOL WIKA dahil mas magkakaroon po ng impact ang ating ginagawa kung mas maraming nakakaaalam at mas maraming naaabot at mas maraming maaaring makatuwang.)
MAGANDANG BALITA! Naipadala na ang LAHAT ng E-SERTIPIKO para sa humigit-kumulang 1,300 na nagfill-out ng post-lecture evaluation form para sa Lektura 1 sa Serye ng E-Lektura 2020 ng Tanggol Wika: “Ang Manggagawang Pilipino sa Panahon ng COVID-19”
Kung sakaling kayo ay nagfill-out ng form pero hindi pa kayo nakatanggap ng e-sertipiko, paki-check po dahil baka alinman sa mga ito ang aplikable sa inyo:
1) BAKA PO HINDI N’YO AGAD NAKITA SA BATCH EMAIL ANG PANGALAN NINYO. Sa kalahatian ng proseso ay nagdesisyon po tayo na magbatch email na ng e-cert para mas mabilis (10 email addresses kada 1 email message namin). Kaugnay nito, huwag agad magpadala ng mensahe sa amin, AT SA HALIP AY I-CHECK MUNANG MABUTI ANG EMAIL NA NATANGGAP NINYO.
2) BAKA NASA SPAM FOLDER ng inyong email ang e-sertipiko. Pakicheck po ninyo ang SPAM FOLDER ninyo. Minsan ay doon napupunta ang mga email mula sa mga organisasyon lalo na kung unang beses namin na mag-email sa inyo. Sadyang may mga bagay na hindi kayang intindihin ng algorithms ng AI na gamit ng GMAIL.
3) BAKA MALI ANG EMAIL ADDRESS NA TINAYPE NINYO SA FORM, gaya ng humigit-kumulang 70 kalahok na nabigyan naman din ng e-sertipiko pagkatapos nilang mag-email sa tanggolwika.org@gmail.com Kung ganito rin ang inyong sitwasyon, pwede n’yo kaming i-email sa tanggolwika.org@gmail.com para makumpirma kung nakapagsagot nga kayo ng form. (ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT SA MGA SUSUNOD NA LEKTURA AY REQUIRED NA ANG PAGLOLOG-IN SA GMAIL: para makaiwas sa karagdagang trabaho na idinudulot ng mga maling email address o hindi gumaganang email address)
4) BAKA ANG FINILL-OUT N’YO AY PARA SA LECTURE 2 at 3 pa (Video Games at Panitikan; at Pagsasalin sa Panahon ng COVID-19). GAGAWIN PA LAMANG PO NAMIN ANG E-SERTIPIKO PARA ROON. Katatapos lang po namin sa Lecture 1. (KUNG BAKIT HINDI GAANONG MABILIS ANG PROSESO AY BASAHIN PO ANG PALIWANAG SA BUONG POST NA ITO)
5) BAKA ANG FINILL-OUT NINYO O ANG TINUTUKOY NINYONG LEKTURA ay mga lektura ng PSLLF sa Panayaman 2020. Direkta po kayong pumunta sa http://www.facebook.com/PSLLF para roon.
Makikita n’yo po rito kung alin-aling mga lektura ang sa PSLLF: https://psllf.org/2020/05/07/updated-na-iskedyul-at-detalye-sa-pagpoproseso-ng-e-sertipiko-para-sa-panayaman-2020-libreng-e-seminar-sa-intelektuwalisasyon-ng-filipino-psllf50/
Dito naman po makikita ang sa Tanggol Wika: https://tanggolwika.org/2020/05/03/e-lektura2020/
6) BAKA HINDI PO KAYO TALAGA NAG-FILL-OUT NG FORM PARA SA LECTURE 1. Maaaring akala lamang ninyo ay nakapagfill-out kayo ng form pero hindi ninyo PININDOT ang SUBMIT sa FORM kaya di nakarating sa amin. (NANGYAYARI PO ITO TALAGA. Kaugnay nito, minabuti na namin na irequire ang paglolog-in sa GMAIL sa mga susunod na post-lecture eval. form PARA MAKATIYAK NA MAY RESPONSE RECEIPT KAYO. Ibig sabihin po ay malalaman n’yo kung nai-SUBMIT nga ninyo ang form dahil MAKAKARECEIVE kayo ng kopya ng sinagutan ninyo. Kaya agad ninyong makukumpirma kung nakapagsagot kayo o hindi).
Marami pa naman pong susunod kaya ‘wag mag-alala kung di agad nakalahok sa mga nauna. Muli, narito ang updated schedule ng ating mga susunod na lektura: https://tanggolwika.org/2020/05/03/e-lektura2020/
PALIWANAG SA BAKIT HINDI GAANONG MABILIS ANG PAGPAPADALA NG MGA E-SERTIPIKO
1. Unang beses po nating ginawa ito
2. Isa lang po ang gumagawa (susubukin nang 2 o 3 ang maghati sa trabaho ng paggawa ng pdf copies ng e-certs, pero talagang isa lang dapat ang mag-email para makaiwas sa email red flags na idudulot ng paiba-ibang mag-lologin sa isang email account, mula sa iba-ibang lokasyon)
3. May mga duplicate answers (nasa 80) na isa-isang inalis muna sa raw file ng Excel mula sa mga sagot sa form, bago nasimulan ang paggawa ng form (natutuhan na po natin ngayon ang mas mabilis na semi-automated na proseso ng pag-aalis sa duplicates, at irerequire na rin po natin ang pag-log-in sa GMAIL kaya makakaiwas na sa problemang ito)
4. May mga kalahok na MALI o HINDI GUMAGANA ang email address na itinype sa form (kumain din po ng oras ang isa-isang pagreply sa kanila; sa mga susunod ay hindi na ito magiging problema dahil required na ang paglolog-in sa GMAIL)
5. 500 emails lang kada araw ang pwede naming ipadala. (Maaari itong masolusyunan ng subscription sa GMass pero nasa 1,000 kada buwan ang presyo niyon at wala naman tayong malaking pondo. Kaugnay nito, kung may interesadong magbahagi ng kanilang biyaya/ambag sa Tanggol Wika ay maaaring magtext sa 0927-2421-630)
6. Medyo mabagal na ang computer ng ating gumagawa ng e-certificate. Hopefully makabili ng mas mabilis after ECQ at pag kaya na po natin.
7. Noong una ay paisa-isa ang pagsend namin ng email (ginawa na naming per batch half-way through the process; 10 email addresses kada 1 email)
8. Sa average na oras ng pagtatrabaho, nasa 15 oras lamang ang kailangan para matapos ang paggawa AT pagpapadala ng 1,300 e-cert kung per batch. Gayunman, batid naman po nating lahat na mahirap magtrabaho nang dere-deretso para sa isang gawain lamang DAHIL marami pa po tayong ibang trabaho gaya ng trabahong related sa eskwelahan, pamamalengke, paglilinis ng bahay atbp. Batay sa karanasan ng tagagawa ng e-cert, halos yaong pagkagising ng umagang-umaga at saka tanghaling tapat at gabi bago matulog ang nailalaan para sa paggawa ng e-cert dahil kailangang ding magsulat, magcheck ng papel, magluto, sumagot ng mga email at FB message atbp. in between. Kaya sana po ay tiyagain lamang natin ang paghihintay sa mga susunod na e-sertipiko.
Sa kabuuan, mas mabilis na po sa mga susunod dahil nagsagawa na tayo ng pagbabago sa proseso batay sa unang karanasan natin.
KAUGNAY NG LAHAT NG ITO, mangyaring antabayanan sa www.facebook.com/TANGGOLWIKA at www.tanggolwika.org ANG MGA ANUNSYO HINGGIL SA E-SERTIPIKO.
MAAARI RIN PO NINYO KAMING PADALHAN NG MENSAHE SA FACEBOOK: www.facebook.com/TANGGOLWIKA Gayunman, HINDI NAMIN TUTUGUNAN ANG ANUMANG CONCERN NA ANG SAGOT AY MASASAGOT NA NG AMING AUTOMATED REPLY. Tutugunan lamang po namin ang mga concern na di nasasagot ng nilalaman ng automated reply (PERO PAKIBASA PONG MABUTI ANG NASA AUTOMATED REPLY, LALO NA ANG MGA NASA LINKS DAHIL KARANIWAN AY KOMPLETO AT DETALYADO NA PO ANG PAGSAGOT NAMIN DOON)
HINDI NA PO KAMI MUNA MAG-EENTERTAIN NG FOLLOW-UP KUNG ANG INYONG CONCERN AY KABILANG SA MGA NABANGGIT NA SA POST NA ITO, LIBAN NA LANG KUNG ANG MENSAHE AY TUNGKOL sa problema sa pagfifill-out ng form (DIREKTANG MAG-EMAIL SA tanggolwika.org@gmail.com )
Kung pagkatapos po na mabasa ang buong post na ito ay may paglilinaw, follow-up sa e-sertipiko atbp. pa kayo ay mangyaring magpadala ng email sa tanggolwika.org@gmail.com
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGTANGKILIK AT PAGSUPORTA SA ATING ADBOKASING PANGWIKA AT PANLIPUNAN!
A luta continua!
P.S. Ang maliit na kahon sa gilid ng e-certificate ay QR code na kapag iniscan ay direktang pupunta sa webpage ng mga video lectures para sa Serye ng E-Lektura 2020 ng Tanggol Wika. We will appreciate po kung mai-share n’yo ulit online ang link sa mga video, sa inyong mga Facebook. Gamitin po ninyo ang #TanggolWika at #IsyungPanlipunan para sa Lektura 1.
~~~
11 Mayo 2020:
UPDATE sa E-SERTIPIKO para sa Lecture 1 ng Serye ng E-Elektura ng Tanggol Wika 2020: “Ang Manggagawang Pilipino sa Panahon ng COVID-19”:
Humigit-kumulang 500 e-sertipiko na po ang naipadala sa mga email ng kalahok. Samantala, pinoproseso pa po natin ang humigit-kumulang 700.
Sa mga nakatanggap na ng e-sertipiko, maraming salamat po at sa uulitin. Pagpasensyahan n’yo na po na ang aming email para sa e-certificates ay walang subject at wala ring mensahe dahil kakain din po iyon ng oras at marami-rami pa po tayong haharaping e-sertipiko dahil mahigit 1,200 po ang rehistradong kalahok sa unang webinar. Sa ganitong diwa, ay dito na lamang po namin inilagay ang mensahe para sa inyong lahat. Muli, maraming salamat po.
Sa mga hindi pa po nakakatanggap,please bear with us po. Matatanggap ninyo ito sa lalong madaling panahon. Maraming salamat po.
UPDATE sa E-SERTIPIKO para sa Lecture 2 at 3 ng Serye ng E-Elektura ng Tanggol Wika 2020: “Video Games at Panitikan” at “Pagsasalin at COVID-19”:
Hanggang bukas (12 Mayo) ng tanghali – 12noon – ay pwede pa pong magsagot ng post-lecture evaluation form: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScmrc34N-HBfyCiMbEvn0bL5BanHKrxe6tJjEy7WtwmCW4fEw/closedform Ipoproseso po ang e-sertipiko para sa mga lekturang ito, kapag natapos na ang pagpoproseso ng lahat ng e-sertipiko para sa Lecture 1.
~~~
10 Mayo 2020:
UPDATE (paki-SHARE na rin po): Nagsimula na po tayong magpadala sa email ng E-CERTIFICATES para sa Lecture 1: “Ang Manggagawang Pilipino sa Panahon ng COVID-19.” Ang pag-eemail po namin ay naging batay na sa pagkakasunud-sunod sa oras ng pagsasagot.
Sa mga nakatanggap na ng e-sertipiko, maraming salamat po at sa uulitin. Pagpasensyahan n’yo na po na ang aming email para sa e-certificates ay walang subject at wala ring mensahe dahil kakain din po iyon ng oras at marami-rami pa po tayong haharaping e-sertipiko dahil mahigit 1,000 po ang rehistradong kalahok sa unang webinar. Sa ganitong diwa, ay dito na lamang po namin inilagay ang mensahe para sa inyong lahat. Muli, maraming salamat po.
Sa mga hindi pa po nakakatanggap,please bear with us po. Matatanggap ninyo ito sa lalong madaling panahon. Maraming salamat po.
MULI RIN PO NAMING BINIBIGYANG-DIIN NA SIMULA PO SA POST-EVALUATION FORM AT E-SERTIPIKO NG LECTURE 2 AY GMAIL ACCOUNT NA PO ANG KAILANGAN SA PAGLOLOG-IN SA FORM (ITO PO AY PARA MAKAIWAS SA DUPLICATES AT/O EMAIL NA HINDI GUMAGANA, NA KUMAKAIN PO NG ORAS ANG PAGDEDELETE. Samakatwid, sa layuning maging mas mabilis at episyente ang proseso, kailangan na po natin ng GMAIL ACCOUNT. Sa mga wala pang GMAIL ACCOUNT, gumawa na po kayo (libre naman po at di lalagpas ng 5 minuto ang paggawa): https://accounts.google.com/signup
KARAGDAGAN:
OPEN na po ang form para sa mga nanood ng Lecture 2 at 3: “Video Games at Panitikan,” at “Pagsasalin at COVID-19” kahapon: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScmrc34N-HBfyCiMbEvn0bL5BanHKrxe6tJjEy7WtwmCW4fEw/viewform
DITO naman po makikita ang LINKS SA MGA VIDEOS ng E-LECTURE SERIES 2020 natin: https://tanggolwika.org/2020/05/03/e-lektura2020/
Iniimbitahan din po ang lahat na sipatin din ang mga videos sa mga e-seminar ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, na isa sa mga pinakamasigasig na propesyunal na organisasyong katuwang ng Tanggol Wika sa pagsusulong ng adbokasing pangwika: https://psllf.org/2020/05/10/video-lectures-sa-panayaman-2020-e-seminar-sa-intelektuwalisasyon-ng-filipino-ng-psllf50/
~~~
MGA DATING POST:
Ang impormasyon po na ito ay PARA LAMANG sa mga NAKAPAG-FILL-OUT NG POST-LECTURE EVALUATION FORM para sa E-SERTIPIKO sa paglahok sa/panonood ng Lektura 1 sa Serye ng E-Lektura 2020 ng Tanggol Wika (Paksa: “Ang Manggagawang Pilipino sa Panahon ng COVID-19”).
Kung hindi pa po ninyo ito napanood at/o kaya ay hindi kayo nakapag-fill-out ng post-lecture evaluation form, MAAARI PA RIN NAMAN po ninyong PANOORIN ang video lecture sa link na ito: https://tanggolwika.org/2020/05/03/e-lektura2020/ , NGUNIT hindi na po kayo makakapagfill-out ng karampatang post-lecture evaluation form, at hindi na rin po kayo makakatanggap ng E-SERTIPIKO. Huwag po kayong malungkot dahil marami pa pong susunod na e-lektura ang Tanggol Wika. Regular po ninyong bisitahin ang http://www.facebook.com/TANGGOLWIKA para sa updates kaugnay nito.
Paki-SHARE at paki-TAG ANG MGA KAKILALA NINYO NA LUMAHOK SA/NANOOD NG PASINAYANG LEKTURA:
IPINADALA PO NAMIN ngayong 07 Mayo 2020 ANG EMAIL sa IBABA, sa LAHAT NG NAG-FILL-OUT NG POST-EVALUATION FORM:
“Mahal na kaTanggol Wika,
Maraming salamat sa paglahok sa/panonood ng Lektura 1 sa Serye ng E-Lektura ng Tanggol Wika 2020: “Ang Manggagawang Pilipino sa Panahon ng COVID-19” (lektura ni Prop. David Michael San Juan).
Ang inyong e-sertipiko ay inihahanda na.
Medyo marami po ang inihahanda nating e-sertipiko kaya hintayin na lamang po ninyo. Kada araw ay magpapadala po kami sa mga email (simula sa A hanggang Z). Bigyan ninyo kami ng 5-10 araw mula ngayon.
I-like ang Facebook page ng Tanggol Wika: http://www.facebook.com/TANGGOLWIKA para sa regular updates. Marami pa po tayong susunod na e-lektura.
Sumasainyo.
Komite sa E-Lektura ng Tanggol Wika 2020.”
KARAGDAGANG IMPORMASYON PARA SA LAHAT: Sa mga susunod pong E-LEKTURA NG TANGGOL WIKA AY OOBLIGAHIN NA PO NAMIN KAYO NA GUMAMIT NG GMAIL ACCOUNT SA PAGFIFILL-OUT NG POST-LECTURE EVALUATION FORM PARA MAKABAWAS NA SA PROBLEMA NG EMAIL NA HINDI GUMAGANA. Samakatwid, kung wala pa po kayong GMAIL ay KAILANGAN PO NINYONG GUMAWA NG GMAIL ACCOUNT (LIBRE NAMAN PO ITO AT WALANG ANUMANG KAILANGAN KUNDI ANG KONEKSYON SA INTERNET): https://accounts.google.com/signup/v2/webcreateaccount?hl=en&flowName=GlifWebSignIn&flowEntry=SignUp
KUNG WALA PO KAYONG NATANGGAP NA E-MAIL MULA SA AMIN, MAAARI RIN PO NINYONG TINGNAN ang SPAM folder ninyo (minsan po ay doon napupunta ang mensahe dahil maramihan natin itong ipinapadala at minsan ay nagkakamali ang Gmail na itrato itong SPAM).
KUNG WALA PA RIN PO SA INYONG SPAM FOLDER AY NANGANGAHULUGANG TALAGANG HINDI PO KAYO NAKATANGGAP NG NASABING EMAIL, SAPAGKAT ANG INYO PONG ITINYPE NA EMAIL SA EVALUATION FORM AY KASAMA SA MGA EMAIL ADDRESS NA HINDI GUMAGANA (nag-bounce o bumalik sa amin ang email). Sa mga ganitong sitwasyon ay OBLIGASYON po ninyo na MAGPADALA ng email message (BUONG PANGALAN at Facebook name ninyo para makumpirma po namin kung nag-fill-out kayo ng post-lecture evaluation) sa tanggolwika.org@gmail.com , UPANG KAYO AY MABIGYAN PA RIN NG E-SERTIPIKO. Hindi na po namin kakayanin na isa-isahin pang i-copy at i-post dito ang mga email address at pangalan ng mga bumalik sa amin ang email (at iyon ay problematiko rin kung gagawin dahil paglabag iyon sa privacy). Pagkatapos po naming mapadalhan ng e-sertipiko ang mga kalahok na may gumaganang email sa unang batch ng anunsyo, agad po naming ipoproseso ang sa inyo. Maraming salamat po sa pang-unawa at tiyaga!