Nakikiisa kami sa mga tagapagtaguyod ng asignaturang Physical Education (PE) at Home Economics (HE), SA PAGTUTOL SA PANUKALANG pansamantalang PAGTATANGGAL sa PE at HE, sa panahon ng pandemya.
Bilang mga naunang biktima ng MALING PAGTRATO SA MGA ASIGNATURA na inaakalang hindi mahalaga o hindi makabuluhan, MULI NAMING BINIBIGYANG-DIIN NA BAWAT ASIGNATURA AY MAHALAGA.
Bawat asignatura ay may ambag sa alinman sa dalawa (o pwede ring sa pareho): pagpapalusog ng kaisipan o pagpapalusog ng katawan.
Ang PE at HE ay kitang-kita MAHALAGA AT KAILANGANG-KAILANGAN sa pagpapalusog ng katawan. Wala na sigurong dapat ipaliwanag pa rito?
Na may mga makakaisip pa ngayong Siglo 21 na may mga asignaturang mahalaga at mayroon namang hindi masyadong mahalaga, AY LALONG DAHILAN PARA MAGING BUO AT KOMPLETO ANG PANGKALAHATANG EDUKASYON/GENERAL EDUCATION MULA ELEMENTARYA HANGGANG TERSYARYA AT LAGPAS PA.
MAHALAGA ANG PE.
MAHALAGA ANG HE.
MAHALAGA ANG FILIPINO.
MAHALAGA ANG PANITIKAN.
Ang magsabing hindi mahalaga AY LALONG DAPAT DUMANAS MULI/MAG-ARAL NG MGA ITO.