Ang Buhay Ay Isang Panitikan (Musika at Teksto ni Joel Costa Malabanan)

Ang Buhay Ay Isang Panitikan

Musika at Teksto ni Joel Costa Malabanan

Ang buhay ay isang bugtong

Mayroong mga sanga-sangang tanong

Kung hahanapin ang kasagutan

Sa sariling pagkatao’y matatagpuan

Danas ay nasa salawikain

Inuulit, nais laging sambitin

Gabay sa bawat paghakbang

Sa madulas at mabatong daan!

Kung saglit man o mahaba ang buhay

Hahanapin lamang kung mayrong saysay

Hulihin ang bawat sandali

Pagkat pag-iral natin ay maikli!

Ang buhay ay isang panitikan

Kung minsan ay di maintindihan

Ngunit sa marunong magmahal

May dalumat ang bawat pagpapagal

Bawat saglit ng pakikisangkot

Sa bayang may dahas at takot

May galak ang pamamaalam

Kung nag-alay sa kalayaan!

Kung saglit man o mahaba ang buhay

Hahanapin lamang kung mayrong saysay

Hulihin ang bawat sandali

Pagkat pag-iral natin ay maikli!

Bawat salita na inilakad

Bawat diwa mong isinabuhay

Paghahalawan ng karanasan

Ng mga naritong maiiwan!

Kung maglaho man ang pisikal

Sa gunita ay magigig imortal

Talambuhay mo ay sasambitin

Ng nakikibakang tulad mo rin!

Kung saglit man o mahaba ang buhay

Hahanapin lamang kung mayrong saysay

Hulihin ang bawat sandali

Pagkat pag-iral natin ay maikli!

(inawit sa Gabi ng Parangal kay Dr. Bien noong 04 Oktubre 2021; mapapanood ang buong video ng parangal sa: https://www.facebook.com/actph1982/videos/1963879773768841)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s