Remedyo para sa mga HINDI NAKATANGGAP ng E-SERTIPIKO o MAY GUSTO IPABAGO SA SPELLING SA SERTIPIKO (hanggang para sa Lektura 6 lamang po ito; kung bakit, maaari rin pong balikan ang BAGONG proseso sa Paano makalahok sa mga e-lektura at paano makakuha ng e-sertipiko.)
Sa mga nakaraang anunsyo ay naipaliwanag na po namin ang mga karaniwang dahilan kung bakit hindi pa ninyo natatanggap ang inyong e-sertipiko. ANG PINAKA-KARANIWANG DAHILAN PO AY ITO (batay sa mga nakumpirma na namin):
1) NATANGGAP ANG E-SERTIPIKO PERO SA SPAM FOLDER dumiretso (KAYA MULI PO NAMING HINIHILING, KUNG HINDI PA NINYO NAGAWA, NA PAKI-CHECK PO ang inyong SPAM folder);
2) Ang inyo pong e-mail address ay HINDI TUMATANGGAP ng email sa bagong contact at/o contact sa labas ng inyong organisasyon/network (ITO ANG PINAKA-COMMON sa mga email na may @deped.gov.ph NA NAPADALHAN PO NAMIN – KUMPIRMADONG NASA SENT ITEMS NAMIN, PERO NAG-BOUNCE DAHIL DI TINATANGGAP ng email recipient; KAUGNAY NITO, PARA SA REMEDYO, HUWAG NA PO DEPED EMAIL ANG GAMITIN NINYO; GUMAWA NA LAMANG PO KAYO NG BUKOD AT PERSONAL NINYONG GMAIL ACCOUNT);
3) NAGKAMALI ng pag-type sa email address ang participant: halimbawa, maraming @GMAL.COM ang nailagay o kaya’y @DEPED.GOV lamang ang nai-type (SA GANITONG SITWASYON, NATANGGAP PO NAMIN ANG INYONG SAGOT SA FORM, PERO NOONG IPADALA NA NAMIN SA INYO ANG INYONG E-SERTIPIKO, AY DOON SA MALING EMAIL ADDRESS NA ITINYPE NINYO NAPUNTA, NA NAG-BOUNCE LANG MULI SA AMIN; AUTOMATED NA PO KASI ANG PROSESO NATIN KAYA HINDI NA PO NAMIN ISA-ISANG TINITINGNAN ANG EMAIL-ADDRESS)
4) PSLLF E-SEMINAR, SA HALIP NA TANGGOL WIKA E-ELEKTURA ANG TINUTUKOY NG PARTICIPANT.
Humihingi po kami ng inyong pag-unawa at pagpapasensya sa alinmang sitwasyong aplikable sa inyo .
ITO NA RIN PO ANG REMEDYO PARA SA MAY GUSTO IPABAGO SA SPELLING (GENTLE REMINDER: kayo po ang nag-type ng pangalan etc. sa form, kaya anumang “mali” ay galing sa itinype ninyo. Maging maingat po sa pagtype sa susunod para hindi na magkaganito ‘uli. Salamat po. MULI, BINIBIGYANG-DIIN NA HANGGANG LEKTURA 6 LANG PO ANG REMEDYONG ITO. MULA LEKTURA 7 AY WALA NA PONG GANITONG REMEDYO. Kung bakit, maaari rin pong balikan ang BAGONG proseso sa Paano makalahok sa mga e-lektura at paano makakuha ng e-sertipiko.)
~~~
ANTABAYANAN PO ANG ANUNSYO KUNG KAILAN BUBUKSAN ANG REMEDYO para sa mga HINDI NAKATANGGAP ng E-SERTIPIKO O MAY GUSTO IPABAGO SA SPELLING NG SERTIPIKO para sa Serye ng E-Lektura 6 (“Pinoy Fan Writing”) [IN THE MEAN TIME, MULI AY BALIKAN ANG IMPORMASYON SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI KA NAKATANGGAP: https://tanggolwika.org/2020/05/27/pakibasa-po-nang-buo-bawal-na-pong-mag-follow-up-sa-status-ng-sertipiko-i-baban-sa-page-ang-mag-follow-up-sa-thread-tanong-sagot-sa-mga-e-sertipiko-sa-serye-ng-e-lektura-2020-ng-tanggol-wika/)]: